#4 Isyu ng Kahirapan

             



Mark Clester Barona

   Bago ang lahat, ano nga ba ng salitang kahirapan? Ang kahirapan ay isang estado o kondisyon kung saan ang isang tao o komunidad ay kulang sa mga mapagkukunang pinansyal at mga mahahalagang bagay para sa pinakamababang antas ng pamumuhay.  Ang kahirapan ay nangangahulugan na ang antas ng kita mula sa trabaho ay napakababa kaya ang mga pangunahing pangangailangan ng tao ay hindi matugunan. Maaaring mawalan ng maayos na tirahan, malinis na tubig, masustansyang pagkain, at medikal na atensyon ang mga taong naghihirap at pamilya. Maaaring may kanya-kanyang pamantayan ang bawat bansa para matukoy kung ilan sa mga mamamayan nito ang nabubuhay sa kahirapan.

   Ang kahirapan ay isa sa mga problema ng Pilipinas lalo’t iilan lamang ang solusyon na nakikita para sa karamihan at nadadamay dito ang aspeto ng edukasyon, mayroong hindi nakakapag-aral dahil sa sobrang kahirapan at ang kahirapan din ang nagpapahinto sa pangarap ng isang tao.  Pero ang iba naman ay hindi nawawalan nang pag-asa dahil alam nila na may mga bagay na makapagbabago o makapag-aahon sa kanila sa kanilang kahirapan. Ayon sa GMA Network, hindi bababa sa dalawang milyong Pilipino ang naging mahirap noong 2020 dahil sa pagbaba ng kita ng sambahayan at mga aktibidad sa negosyo sa gitna ng pandemya, mula sa 16.7% noong 2018 ay tumaas ito sa 21% noong 2020. At ayon naman sa Philippine Statistics Authority(PSA), tumaas ang poverty incidence ng populasyon sa 23.7% noong unang kalahati ng 2021 dahil sa mga taong nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya.
Kung pagkukumparahin natin ang bilang mula 2018-2020 hanggang 2021, malaki ang nadagdag na bilang dahil naging malaki ang impact ng pandemya sa mga taong noo’y may trabaho. Sa isang iglap lamang ay parang nawala lahat nang mga pinaghirapan nila sa araw araw nilang pagtatrabaho para sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay sa kani-kanilang pamilya.

             Hindi natin ipagkakaila na hindi na natin maalis sa ating isipan na habang tumatagal, tumataas ang bilang ng kahirapan taon-taon. Maraming dahilan ito at may solusyon ito, yun ay ang edukasyon. Isa ito sa solusyon dahil gusto natin makamit ang gusto natin sa kinabukasan. May mga bagay tayong malalaman sa edukasyon na pwedeng makapagbago sa ating sitwasyon. Dahil
ang edukasyon ay nauunawaan bilang proseso kung saan ang kaalaman, gawi, kaugalian at mga halaga ng isang lipunan ay ipinapadala sa susunod na henerasyon.

https://hamsternice.blogspot.com/2011/11/why-philippines-is-still-third-world.html

Comments

Popular Posts