#2 Problema sa Agrikultura
ANG Rice Tariffication Law o Republic Act 11203, ang epektibong nagpapanatili ng patuloy na pagbaba sa presyo ng bigas para sa mga konsumer sa pamamagitan ng pagsisiguro na sapat ang suplay sa mga pamilihan.
Sa nakalipas na mga taon, ang pamahalaan, sa pamamagitan ng National Food Authority (NFA), ay naglilimita sa pag-aangkat ng bigas sa pagtatakda sa mga importer na kumuha ng permit to import, upang maprotektahan din ang mga Pilipinong magsasaka mula sa pagkalugi dulot ng murang angkat na bigas. Nang magsimulang tumaas ang presyo ng bigas noong 2018, kinailangang humanap ng paraan ng pamahalaan upang mapigilan ang tuloy-tuloy na pagtaas ng mga presyo ng bilihin o inflation, sa anumang paraan. Dahil ang bigas ang pangunahing sumasakop sa gastos sa bilihin ng pamilyang Pilipino, nagdesisyon ang pamahalaan na pababain ang presyo ng bigas at ang lahat ng pangunahing bilihin sa merkado ay susunod.
Sa pagpapatupad ng Rice Tariffication Law, hindi na kinakailangan ng mga umaangkat na kumuha ng permit mula sa NFA. Ngayon, sinuman ay maaari nang umangkat ng bigas hanggat nagbabayad ito ng itinakdang taripa. Dulot nito, dumagsa na sa bansa ang murang bigas mula sa Vietnam at Thailand na ang mga magsasaka ay nagkakapag-ani sa mas murang halaga ng puhunan kumpara sa mga Pilipinong magsasaka.
Tunay namang napababa ng Rice Tariffication Law ang presyo sa merkado ng bigas, ngunit malaki rin ang naidulot nitong pagbaba sa kita ng mga Pilipinong magsasaka. Kung dati ay kumikita sila ng P20 kada kilo ng palay, nitong huling linggo ng Hunyo, P17.85 na lamang ang kanilang kinikita. Gayunman, ayon sa mga magsasaka, sa pamamagitan ng Federation of Free Farmers, nananatili ang presyo sa merkado. Pinaghihinalaan nila ang manipulasyon sa presyo ng mga nagluluwas ng bigas, kasama ng mga importer na pinabababa ang halaga ng kanilang kargamento upang magbayad ng mas mababang buwis.
Nagmungkahi si Secretary of Agriculture Emmanuel Pinol ng solusyon sa sitwasyon sa pamamagitan ng pagbili ng gobyerno sa ani ng mga Pilipinong magsasaka sa sapat na presyo, kahit pa nangangahulugan ito ng pagkalugi sa bahagi ng pamahalaan.
Isa lamang itong pansamantalang solusyon. Isang permanenteng tugon ang dapat na ipatupad ng pamahalaan upang matulungan ang mga Pilipinong magsasaka na mapababa ang kanilang gastos sa produksiyon. Maisasakatuparan ito sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila sa pagkuha ng mas magandang uri ng binhi at pagbili ng mga pataba at iba pang kailangan, sa pagpapataas ng mekanisasyon ng agrikultura, mas maraming irigasyon, pagkakaloob ng mga post-harvest facility tulad ng mga bodega at gilingan, at tulong sa pagbebenta ng kanilang ani.
Sa maraming henerasyong nakalipas, maraming Pilipinong magsasaka ang nakadepende sa tulong ng kanilang mga panginoong-maylupa, ngunit nagwakas na ito dulot ng reporma sa lupa. Kailangan nang makialam ng pamahalaan at ipagkaloob ang tulong na nawala, at higit sa lahat, maglunsad ng programa na magmomodernisa ng agrikultura sa Pilipinas sa lahat ng aspeto, sa lahat ng antas nito, at sa lahat ng bahagi nito mula sa paghahanda ng lupa hanggang sa pagtatanim at pagbebenta.
Ang susi sa lahat ng ito ay ang pagpopondo. Sinabi ni Secretary Piñol na hindi nito nakuha ang sapat na halaga sa nakalipas na tatlong taon, lalo’t ang tuon ng pamahalaan ay nasa pagtatayo ng mga imprastraktura at iba pang kinakailangan. Sa susunod na tatlong taon ng administrasyong Duterte, nawa’y mabigyan ang agrikultura ng Pilipinas ng sapat na atensiyon na tunay na nararapat dito bilang sentro ng pamumuhay at ekonomiya ng
BUKOD sa pangingisda, pagsasaka ang isa sa mga pangunahing pangkabuhayan ng mga Pilipino. Sa katunayan, marami sa ating mga produkto ang ine-export sa iba’t ibang bansa dahil sa kalidad nito.
Pero sa kabila nito, marami pa rin sa mga anak ng magsasaka ang tuluyan nang nawawalan ng interes sa pagsasaka o agrikultura. Nawalan ng ganang ipagpatuloy ang hanapbuhay na sinimulan ng kanilang mga magulang. Kahit kasi anong klaseng pagsisikap, nanatili pa rin silang isang kahig, isang tuka. Kaya ‘yung iba, isinumpa at tinalikuran na ang lupa.
Ito ang dahilan kung bakit ang mga tao sa probinsiya, nakikipagsiksikan at nakikipagsapalaran sa Maynila. ‘Yung iba nga, sa ibang bansa pa nagbabakasakali. Mas pinipiling mamasukan at utos-utusan ng iba kaysa magsaka.
Patunay dito ang istorya ng magkaibigang John Homer Valenzuela at Adelbert Reyes mula sa probinsiya ng South Cotabato. Bilang mga anak ng magsasaka, naranasan nila ang hirap na pinagdadaanan ng kanilang mga magulang.
Tiyempo namang may isang recruiter na napadpad sa kanilang lugar na nag-alok ng trabaho sa kanila. Dahil dito agad silang gumawa ng paraan para makaipon ng pera. Pero pagdating sa Maynila, ang pangakong trabaho di pala totoo!
Pagkababa pa lang ng bus sa isang terminal sa Cubao, agad na silang sinalubong ng dorobo. Hiningian ng tig-P5,000 at pinaghintay lang ang mga ito. Pero ilang araw na ang lumipas, di na sila binalikan ng kausap.
Limang araw nagpalabuy-laboy sa kalakhang Maynila, walang ligo at wala ring makain. Masaklap nito, nanakawan pa ang dalawa habang natutulog sa kalsada. Mabuti na lang at napadpad sila sa aming tanggapan kaya aming natulungan.
Isa lamang ‘yan sa mga libu-libong kwento ng mga magsasakang Pilipino. Seryoso ang usaping ito at kinakailangan ng masusing pag-aaral para masolusyunan. Dapat magkaroon ng plano ang gobyerno para mas mapaigting at mapayabong pa ang industrya ng agrikultura sa bansa.
Problema kasi, ‘yung mga nagiging pinuno ng Departamento ng Agrikultura, ‘walang matitinong proyekto. Mga putragis na trapo, ginagawang stepping stone ang puwesto para sa ambisyong maging pulitiko. Tapos ang apektado, ‘yung mga nasa pinakamababang estado.
Reference's:
Comments
Post a Comment