#5 Unemployment sa Pilipinas
Hanna Teresa Navarro
Isa sa mga suliraning panlipunan na kinaharap ng pilipinas ngayon ay ang lumalalalang isyu ng unemployment. Karamihan sa mga Pilipino ay walang mapasukang trabaho. Kahit patuloy na
umuusbong ang ekonomiya ng Pilipinas, tumaas pa rin ang bilang ng mga walang trabaho. Karamihan sa mga walang trabaho ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral o hindi nakatapos ng kolehiyo. Isa sa mga dahilan kung bakit maraming walang trabaho sa Pilipinas ay dahil sa hindi pagtatapos ng pag-aaral. Dahil sa kahirapan na isa ring isyu na kinakaharap ng pilipinas ngayon. Dahil dito ay nahihirapan ang mga pamilyang Pilipino na mapagaral ang kanilang anak. Maraming maaaring gawing solusyon ang pamahalaan para mabawasan ang pagdami ng mga walang trabaho sa Pilipinas. Una, bigyang pansin ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas upang sila ay makalinang ng mga matatalino at magagaling na mga manggagawa. Sa paraang ito, maraming mga institusyon ang maaaring tumanggap sa mga nakapagtapos ng pag-aaral. Pangalawa, paunlarin ang ekonomiya ng Pilipinas at magbukas ng mga kumpanya upang maraming mapasukan ang mga manggagawa. Ikatlo, ang pamahalaan sa tulong ng pribadong sektor, ay dapat ipagpatuloy ang pagsasagawa ng job fare upang mabilis na makahanap ng trabaho ang mga manggagawa ayon sa kanilang kalakasan o kakayahan. Ang isyu ng kawalan ng trabaho ay repleksyon ng kalagayan ng ating bansa.https://l.messenger.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fwww.scribd.com%2Fdoc%2F281970987%2FUnemployment-sa-Pilipinas&h=AT3tOy2-BNiXMQPMbOEPDOq2pvYKQFNyPVuNvduND4QywW152maZv9BQVHleLFJjZKpIrVioXW0J0nrngeCz6-ORARqNCHJIckTfbnizgZFgC-m2lFu_RZ15SX4i664Ghof9pg
Comments
Post a Comment