#6 Isyu sa Edukasyon ng Pilipinas

 




Danah Dela Cruz

Kakulangan sa edukasyon ang isa sa mga isyung panlipunan na hanggang ngayon ay kinakaharap parin ng Pilipinas.Ayon sa isang pagsusuri isa sa walong Pilipino o sa 6.24 milyong pamilya ang hindi nakakapag aral.Edukasyon ang isa sa mga mahahalagang aspeto sa buhay ng tao.Kung saan dito tayo kumukuha ng bagong kaalaman at mabuting asal na dadalhin natin pang habang-buhay.

 

Ang edukasyon sa may pinakamataas na budget sa ating gobyerno, ngunit bakit marami pa rin kulang kulang ang upuan,libro,imprastraktura,pasilidad pati na rin sa sahod sa mga guro.Kahit pa masasabing maunlad ang Pilipinas, may mga lugar parin napag iwanan, pagdating sa edukasyon.

 

Isa sa mga aspeto na nakakaapekto sa kakulangan ng edukasyon ay kakulangan din sa guro. Bawat mag-aaral ay nangangailangan ng guro.Mahalaga ang presensya ng guro para maging epektibo ang anumang edukasyon na tinatanggap ng isang estudyante.Sa kasalukuyang panahon,dumadami ang bilang ng mga mag-aaral, kung kaya’t maraming guro din ang kinakailangan.Nangailangan ng 33,000 bagong guro ang Department of Education (DepEd) noong School Year 2019-2020.Pero dahil sa mababang pasahod ng gobyerno sa mga guro sa pampublikong paaralan,patuloy na nababawasan ang bilang ng mga ito.May mga taong pinipili na lang magtrabaho sa ibang bansa, dulot din pangangailangan ng pamilya. Maaaring solusyunan ang isyu sa kakulangan ng guro, kung binigyan pansin ang guro at sa sahod.Dahil mahalaga ang mag invest sa mga guro para sa kapakanan ng estudyante pati narin ng bansa.

 

Ang edukasyon din ay isang puhunan ng bawat mamamayan upang maging produktibo.Higit sa lahat susi rin ito sa pagpapataas ng ekonomiya ng isang bansa.Kung mababa ang kalidad ng turo sa mga pampublikong paaralan nakakaapekto ito sa bawat estudyante.Bukod sa kakapusan sa guro problema rin ang kakulangan sa pasilidad.Malaking aspeto ang classrooms sa pagkatuto ng isang bata.Mahalaga na mabigyan ng maayos na pasilidad ang lahat ng lugar sa Pilipinas lalo ng sa mga malalayong lugar.Mapapanood natin sa mga dokumentaryo kung gaanong hirap ang nararanasan ng mga estudyante at guro upang makapunta sa kanilang mga paaralan.Ang iba ay tumatawid ng ilog,bundok,o naglalakad ng maraming oras.Ang gobyerno naman ay kabilaan ang proyekto sa pag tayo ng mga bagong pasilidad sa buong bansa.Kung kaya’t dapat din matulungan ang mga lugar kung saan mababa ang kalidad ng edukasyon.

 

Isa sa maaaring ugat sa isyu sa edukasyon ay korupsiyon at kakulangang pansin. Dahil sa hindi malinis na pamamalakad ng mga politiko naapektuhan ang kalidad ng edukasyon sa bansa.Kung kaya’t nagresulta sa mababang kalidad ng edukasyon.Mahalaga na saan mang parte ng Pilipinas ay maaring kumuha ng edukasyon, dahil ito rin ang isang susi sa tagumpay ng isang tao.Dapat itong pagtuunan pa lalo at bigyan ng pansin upang mabago ang sistema ng edukasyon sa bansa.Dapat itong umunlad hindi bumaba pa.

 

References:

https://prezi.com/wiiwhwfubs3e/mga-suliranin-sa-ating-lipunan/

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2019/05/28/1921451/33000-bagong-guro-kailangan

 https://makabayanmsy.mobirisesite.com/isyuedu.html

 

Comments

Popular Posts