#7 Paggamit ng illegal na Droga
Allysa Lingad
Ang droga ay isang gamut na ipinagbabawal, kilala ito sa katawagang illegal na
droga. Ang gamut ay sinadya sa mundo na gawin upang makapagbigay-lunas sa
may sakit. Ngunit may gamot ding ipinagbabawal tulad ng ginagamit ng mga
kabataan ngayon. Karamihan sa kanila ay nalulong sa bisyo lalo na sa paggamit ng
ganitong klaseng droga. Ang ganitong sitwasyon ang pinakapangunahing
problema ng lipunan dahil marami na ang masamang pangyayari na nagaganap sa
lipunan dulot ng paggamit nito. Dumarami na rin ang bilang ng mga napapatay na
kriminal bunsod ng paglaban ni Duterte sa ilegal na droga. Walang dupang
ramdam na ng mamamayan ang mga pagbabagong hatid nito. Pero habang
tumatagal, unti-unting nauungkat ang maraming isyung kaugnay na maruming
kalakaran ng ipinagbabawal na gamut sa ating lipunan.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement, tinatayang 92% ng mga barangay sa
Metro Manila ang apektado ng droga. Kaya naman hindi kataka-takang maraming
pamilyang Pilipino ang sangkot sa paggamit at pagbebenta ng ipinagbabawal na
gamot. Umabot rin sa halos 196 na politiko at 283 na mga empleyado ng
gobyerno ang naaresto dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act
of 2002 (PDEA, 2016).
Ayon rin sa balita, mahigit 300 nakatao na diumano ang napatay sa 'gyera
kontra-droga' ng administrasyon. Karamihan nito ay ang mga nagtutulak ng droga
na antas-kalye. Araw-araw laman ng mga balita ang mga pagpatay, pagsuko o
paghuli sa mga adik sa ilegal na droga kaya naman hindi nakapagatataka na
popular na popular ang kampanyang kontra-droga ni Duterte. Karamihan sa atin
ay alam na ang paggamit ng droga ay isang paraan upang makaahon sa kahirapan,
nakababawas ng suliranin o di kaya'y pang hanap buhay ng iba.
https://l.messenger.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fwww.drugfreeworld.ph%2Fdrugfacts%2Fdrugs%2Fwhy-do-people-take-drugs.html&h=AT1ruPWHOLguB_eFnuxfAk4PxqV7U9peHG0Ji5u8O5PICuTbngbh3wVqO1BojCkwiY_uoJaYS_vwKHRjMI_mfJMHTTtrD8xcKB4MNLiyod3Ou8obAcPX96cMfmViW9r64kjfBA
Comments
Post a Comment