# 9 ISYUNG PANG KAPALIGIRAN
Justine Curameng
Isyung pang kapaligiran Ang isyung pang kapaligiran ay isa sa ating problema sa ating lipunan at isa ito sa mga problemang nangangailangan ng permanente at maayos na solusyon, maaari rin itong makita at maramdaman sa kapaligiran at maranasan sa pang-araw araw nating pamumuhay. “Mga Halimbawa Ng Isyung Pangkapaligiran”
‘’PAGBABAGO NG KLIMA’’ (Pagtaas ng temperatura sa iba’t-ibang parte ng daigdig) “PAGKASIRA NG KAGUBATAN” (Pagwasak nang tahasan sa mga gubat) “POLUSYON” (Pagiging marumi ng hangin, tubig at lupa) “PAGKAUBOS NG LIKAS-NA YAMAN” (Nauubusan ng tubig. Nauubusan ng materyales na pinagkukunan ng enerhiya) Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay nakakaranas ng iba’t ibang isyu pangkapaligiran tulad ng isyu sa solid waste, deforestation, polusyon sa hangin, at polusyon sa tubig. Isa sa mga pinaka mahalagang isyung panlipunan na ating dapat bigyang pansin ay ang mga isyung pangkapaligiran. Ito’y mahalaga dahil iisa lamang ang ating mundo kinabibilangan. Dahil dito, dapat nating pangalagaan ang ating kapaligiran dahil ang ginagawa natin ay direktang makakaapekto dito. Ito ang mga halimbawa ng mga isyung dapat nating bigyang pansin. Pagkalat Ng Basura – Ang problema natin sa basura o “solid waste management” ay isa sa mga isyu na lahat tayo ay maaaring makatulong na masolusyunan. Isa sa pinakamadali nating gawin ay ang simpleng pag tapon ng basura sa tamang lugar at hindi sa kung saan-saan lamang. Pagmimina – Totoo nga na malaki ang nakikita sa pagmimina, subalit, ang mga taong nakakakuha ng pera dahil dito ay ang mga taong mayayaman na may kayang gumawa ng mga operasyon nito. Dahil sa kanilang mga gawain at hangaring magkaroon ng mas maraming pera, naapektuhan ang ating mga lupain at likas na yaman. DahilDahil dito, nag dudulot ng mga landslide, pagkasira ng kapaligiran at kapunuan sa isang lugar. Deforestation – Ang illegal na pagputol ng puno ay isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga kalamidad katulad lamang ng landslide at flash flood. Ayon sa mga experto ang pangunahing dahilan ng deforestation ay ang agrikultural na kaunlaran. Dahil sa patuloy na pag-unlad, kasabay ng pag-usbong ng malalaking industriya, nasisira ang ating mga kagubatan. Ito’y dahil hindi naiisip ng mga tao ang ating kapaligiran. Mas madali para sa kanila na hindi bigyang pansin ito at unahin na lamang ang pag-usbong ng teknolohiya.
Reference https://philnews.ph/2021/01/12/isyung-pangkapaligiran-halimbawa-at-kahulgan-nito/ https://aralipunan.com/isyu-pangkapaligiran/
Comments
Post a Comment